Akihiro Suzuki: Piecing the Puzzle Together

Akihiro Suzuki: Piecing the Puzzle Together

Akihiro Suzuki: Piecing the Puzzle Together

 

If you ever find yourself at one of the hotels near Kyoto Station, you might spot a certain young man working in the front desk. Suzuki Akihiro – Axe to his friends – is a cool, cheerful 21-year-old who looks decidedly Japanese, but is in fact half-Filipino.

 

Currently living with his mother Aileen and 10-year-old sister Ayumi in Kyoto, he was actually born and raised in the Philippines. He attended the Morning Dew Montessori for preschool and La Salle Greenhills for elementary school, both elite academies. He says about his life in Manila, “I remember playing tag with my friends the whole day on weekends – literally running the whole day – and playing card games at night near our house…I really enjoyed playing with my friends at school and at home because there was never a dull moment.”

 

He first came to Japan seven or eight years ago, but moved to Japan for good on 27 February 2014. “A Thursday,” he remembers. He was 14 years old. Upon finding out about the move, and knowing he only had a few months to prepare, Akihiro started studying Japanese once a week. He taught himself hiragana, katakana, and some of the easier kanji. It was hard going at first and slow work, but it turned out he had a knack for memorization. Hiragana and katakana came easier the more he practiced, although he had problems with some kanji because of slight differences in nuances.

 

 

 

 

Upon arriving in Japan, he entered the Kyoto Municipal Ōhara no Chūgakkō as a high school sophomore. After graduation, he then attended the Kyoto Prefectural Seimei Kōkō High School. At first, he says, he wanted to go to college but because of financial problems he had to change his career path and start working after graduating to support his family. Akihiro, however, is one of the lucky ones: he was recognized by his father who entered his name in their family registry. Thus, he was able to get a Japanese passport right from the start.

 

His biggest adjustments to moving to Japan were the language barrier and the formalities when speaking Nihongo. He also lacked friends, at least at first. He is really thankful that he was able to make amazing friends because they were the ones who helped him become more confident and expressive of what he wanted to say.

 

 

Today, Akihiro and his mom lead busy lives with their jobs, and his sister with school. They mostly just stay at home and talk. Sometimes, he helps his sister with her homework and when there’s time, teaches her Japanese. On the rare occasions when their days-off align, they go out to eat or order pizza. On his holidays, Akihiro just rests at home if he doesn’t have any plans, or he plays some games to pass the time and relax. He tries to keep fit by dancing or trying his hand at just about any sport, and likes to listen to music.

 

For other young people in Japan who are struggling with learning the language, he has this to say: “Look, listen, copy, and try.” Observe people, especially when they’re speaking. Look at how they talk, how they listen, at their expressions or gestures. Listen to what they say, how they say it, and how their friends say in reply. Copy them. Repeat what they say and how they say it. Make sure to voice it out and use the same expressions they used. “Do this even if you don’t understand a thing because in the long run, you will.”

 

“Think of studying Japanese as being like solving a puzzle. If you don’t understand the sentence, try understanding it little by little. Go for words that you know first, and then add the next word you know, and then the next until it makes sense to you. Don’t be afraid to ask questions or be wrong.” Solving a puzzle takes time and effort, but you have to start somewhere, so take that first piece – that first word – and ganbatte!

 

Akihiro Suzuki: Pagbubuo ng Pira-pirasong Palaisipan

 

Kung sakaling makapunta kayo sa isang hotel malapit sa Istasyon ng Kyoto, may makikita kayong isang binatang nagtatrabaho sa front desk. Si Suzuki Akihiro – Axe sa kanyang mga kaibigan – ay isang kalmado, at masayahin na 21 taong gulang na mukhang Hapon , ngunit sa katunayan ay kalahating-Filipino. Kasalukuyang nakatira siya sa Kyoto kasama ng kanyang ina na si Aileen at ang 10 taong gulang na kapatid na si Ayumi.

 

Si Akihiro ay ipinanganak at lumaki sa Pilipinas. Nag-aral siya sa Morning Dew Montessori ng preschool, at sa La Salle Greenhills para sa elementarya, parehong kinikilalang mahusay na paaralan ng mga nakakaangat sa lipunan. Ang sabi niya tungkol sa kanyang buhay sa Maynila, “Naaalala ko na tuwing katapusan ng linggo, kami ng aking mga kaibigan ay maghapong nagtatakbuhan at naglalaro at pagsapit ng gabi ay maglalaro ng mga card game malapit sa aming bahay…Talagang masasabi kong sobra ang saya kong nakikipaglaro sa aking mga kaibigan sa eskwelahan at sa bahay at walang anumang naramdamang malungkot na sandali.”

 

Una siyang dumating sa Japan pito o walong taon na ang nakalilipas, at noong ika-27 ng Pebrero 2014 ay lumipat na siya nang tuluyan sa Japan. “Araw ng Huwebes,” ayon sa kanyang pagkaalala. Siya ay 14 na taong gulang noon. Nang malaman niya ang tungkol sa paglipat, at alam niyang may ilang buwan na lang siyang natitira para maghanda, nagsimulang mag-aral si Akihiro ng Japanese minsan sa isang linggo. Tinuruan niya ang kanyang sarili ng hiragana, katakana, at ilan sa mas madaling kanji. Mahirap at mabagal sa una, pero may likas pala siyang galing sa pagsasaulo. Ang hiragana at katakana ay naging mas madali para sa kanya habang siya ay nagsasanay, kahit na siya ay may mga problema sa ilang kanji dahil sa bahagyang pagkakaiba ng mga kahulugan.

 

Pagdating sa Japan, pumasok siya sa Ōhara no Chūgakkō ng Munisipyo ng Kyoto bilang isang high school sophomore o sa pangalawang baitan sa Mataas na Paaralan. Pagkatapos ay nag-aral siya sa Seimei Kōkō Senior High School ng Prepektura ng Kyoto. Noong una, sabi niya, gusto niyang magkolehiyo nguni’t dahil sa problema sa pananalapi ay kinailangan niyang magsimulang magtrabaho pagkatapos niyang maggradweyt para masuportahan ang kanyang pamilya. Subali’t si Akihiro ay isa sa mga maswerteng tao dahil kinilala siya ng kanyang ama at isinama ang kanyang pangalan sa kanilang family register o talaan ng pamilya. Kung kaya’t siya ay mapalad na nakakuha ng pasaporte ng Hapon sa maagang panahon.

 

Ang kanyang pinakamalaking pagsubok sa paglipat sa Japan ay ang pag-intindi sa wika at ang mga pormalidad sa pananalita ng Nihongo. Sa una ay nahirapan din siyang makipag-kaibigan. Laking pasasalamat niya na nagkaroon siya ng mga kahanga-hangang kaibigan dahil sila ang tumulong sa kanya na magkaroon ng tiwala sa sarili at maipahayag ang kanyang saloobin.

 

Ngayon, si Akihiro at ang kanyang ina ay namumuhay na abala sa kanilang mga trabaho, habang ang kanyang kapatid na babae ay nasa paaralan. Madalas, nasa bahay lang sila at nag-uusap. Minsan, tinutulungan ni Akihiro ang kanyang kapatid na babae sa kanyang takdang-aralin at, kapag may oras, tinuturuan niyang magsalita ng Nihonggo. Sa mga pambihirang pagkakataon kung kailan magkatugma ang kanilang mga araw na walang pasok, lumalabas sila para kumain o umorder ng pizza. Sa kanyang mga bakasyon, nagpapahinga lang si Akihiro sa bahay kung wala siyang anumang plano, o naglalaro upang magpalipas ng oras at makapagpahinga. Sinusubukan niyang manatiling malusog sa pamamagitan ng pagsasayaw o pagsubok ng ibat-bang uri ng laro, at mahilig din siyang makinig ng musika.

 

Para sa ibang mga kabataan sa Japan na nahihirapang matuto ng wika, ganito ang kanyang payo : “Tingnan, pakinggan, gayahin, at subukan.” Pagmasdan ang mga tao,ang kanilang mga ekspresyon o kilos lalo na kapag sila ay nagsasalita. Tingnan kung paano sila nagsasalita, kung paano sila nakikinig. Makinig sa kanilang sinasabi, kung paano nila ito sinasabi, at kung paano sumasagot ang kanilang mga kaibigan. Gayahin sila. Ulitin ang kanilang sinasabi at kung paano nila ito sinasabi. Siguraduhing ipahayag ito at gayahin kung paano nila ito binigkas. “Gawin ninyo ito kahit na hindi ninyo naiintindihan ang isang bagay, dahil sa katagalan, mauunawaan ninyo rin.”

 

 

 

“Isipin na ang pag-aaral ng Nihongo ay parang paglutas ng isang palaisipan. Kung hindi ninyo naiintindihan ang pangungusap, subukang unawain ito nang paunti-unti. Unahin muna ang mga salitang alam na ninyo at pagkatapos ay idagdag ang susunod na salitang alam ninyo, at yung mga susunod na naman hanggang sa maging makabuluhan ito sa inyo. Huwag matakot na magtanong o magkamali.” Ang paglutas ng palaisipan ay nangangailangan ng oras at pagsisikap, nguni’t kailangan nating magsimula sa isang lugar, kumuha ng isang piraso, para makabuo ng isang salita – at magsikap!

鈴木朗弘:パズルを解くように

 

京都駅近くのホテルのフロントで、一人の若者が働いている。鈴木朗弘(友人からはアックスと呼ばれている)は、クールで明るい21歳、見た目は日本人そのものだが、フィリピン人とのハーフだ。

 

現在、母親のアイリーンと10歳の妹あゆみと一緒に京都に住んでいるが、フィリピンで生まれ育った。幼稚園は「モーニング・デュー・モンテッソーリMorning Dew Montessori」、小学校は「ラ・サール・グリーンヒルズLa Salle Greenhills」という名門校の出身。マニラでの生活について、「週末は友達と鬼ごっこをして一日中走り回ったり、夜は家の近くでカードゲームをしていました。学校でも家でも、友達と遊ぶのがとても楽しかったです。」と語っている。

 

彼が初めて日本に来たのは7・8年前。日本に移住したのは2014年2月27日だった。「木曜日だった」という。彼は当時14歳。移住が決まり、準備期間が数ヶ月しかないことを知った朗弘は、週に一度、日本語の勉強を始めた。ひらがな・カタカナと、簡単な漢字を独学で習得した。最初はなかなか覚えられなかったが、コツがつかめると徐々に楽しくなってきた。ひらがなやカタカナは練習すればするほど簡単になったが、微妙なニュアンスがとらえきれず漢字には苦労した。

 

 

 

来日後、中学2年生の時に京都市立大原中学校に入学、卒業後に京都府立清明高校に進学した。当初は大学進学を希望していたが、経済的な問題から進路を変更。家計を支えるために卒業後は就職した。朗弘は父親に認知され、戸籍を得ることができた。すんなりと日本パスポートを取得することができたのは、とても幸運なことだった。

 

日本に来て一番苦労したのは、言葉の壁と、日本語を話すときの振る舞い方だった。最初のうちは友人も少なかったが、やがて素晴らしい友人に恵まれた。彼らのおかげで、自信を持って自分を表現できるようになったことに感謝している。

 

 

 

 

 

現在、朗弘とお母さんは仕事、妹は学校で、それぞれ忙しい毎日を送っている。時には妹の宿題を手伝ったり、時間があれば日本語を教えたりしている。たまに休日が重なったときには、食事に行ったり、宅配ピザをとったりして楽しむ。予定のない休みの日は、家でくつろいだり、ゲームをしたりして過ごす。健康のためにダンスやスポーツをしたり、音楽を聴くこともある。

 

 

 

 

日本語の習得に苦労している若者に向けて。「見る、聞く、真似して実践」が大事だと語る。「話している人をよく見てみてください。話し方、聞き方、表情やジェスチャーを見るのです。彼らが何を、どのように言うか、さらに答え方も見てください。そしてそれを真似してみる。言い方や、内容を繰り返す。声に出して、同じ表現を使ってみる。わからない部分があってもやってみてください。時間をかければわかるようになります。」

 

「日本語の勉強は、パズルを解くようなものだと思ってください。文章が理解できなければ、単語から少しずつ理解していきましょう。文章の中に、まず知っている単語を探してみてください。ほかにも知っている単語があればその意味を足し、できればもう一つ知っている単語を探し・・・自分で意味をとらえられるまでつなげてみてください。質問したり、間違ったりすることを怖がらないでください。パズルを解くには時間と努力が必要ですが、小さなひとつからはじめてください。最初のピース、最初の単語から取り掛かってみましょう。がんばって!」

 

Share Your Life Story

If you would also like us to feature your story send us an email to stories@kakehashi-ph.jp