02 Dec Kenshu Nakamura: A Journey to a New Life
Experiences really have a way of maturing you, and moving to another country as a child is one such experience. Looking into the eyes of 14-year-old Kenshu Nakamura, you can tell he’s been through a lot and is wise beyond his years.
Kenshu is a Japanese citizen and has been in Japan for almost four years, arriving in 2018 when he was 11. Growing up in the Philippines, he studied at the SECDEA Science Academy for about two to three years and was good with Filipino history and English though admittedly not with math. Although he doesn’t remember much about his activities when he was in school, he recalls that he would participate in a lot of school events. His hobbies were drawing and playing outside, and he also enjoyed talking with his friends. He was close to his grandparents and cousins, and really liked watching cartoons.
Now, he is a junior high school student who lives in Kyoto with his mother, who works as a caregiver. He also has a 16-year-old sister. All three of them usually like to stay in when they are together. Kenshu finds this relaxing, and often watches anime, draws, or does things that make him happy. Right now, his goal is to pass his senior high school entrance examination. He doesn’t have a chosen career path but he is currently leaning towards doing animation. He also tries to do part-time jobs as much as he can so he can help with the expenses at home.
Before leaving the Philippines, Kenshu had to start familiarizing himself with the Japanese language. For him, this was probably the hardest part of his journey to a new life. While he finds life in Japan amazing, among the lessons that he has learned is that life in Japan comes with a lot of hardships and getting used to.
For other young people in the same situation as him, the best advice Kenshu can give them is to take their time to adjust and not to stress out too much. He himself wouldn’t do anything differently because he learned a lot from his experiences and grew from them. His wish for his fellow JFCs is to not give up because even though things may be difficult now, just imagine what life that they will have if they persevere.
Kenshu Nakamura : Paglalakbay Tungo sa Panibagong Buhay
Tunay na ang mga karanasan ay nagbibigay daan upang mapalawak at mapagyaman ang karunungan at kaalaman sa pamumuhay, at ang paglipat sa ibang bansa sa murang edad. Isang mabuting halimbawa nito si Kenshu Nakamura, na sa kanyang murang edad na 14 na taong gulang, masisilayan na sa kanyang mga mata na pinatibay na siya ng kanyang mga karanasan at pinalawak na ang kanyang kaisipan.
Si Kenshu ay isang Hapon at halos apat na taon nang naninirahan sa Japan, mula ng dumating noong 2018 noong siya ay 11 taong gulang lamang. Lumaki sa Pilipinas, nag-aral siya sa SECDEA Science Academy nang mga dalawa o tatlong taon at mahusay sa kasaysayan ng Filipino at Ingles subali’t aminadong mahina sa math. Bagama’t hindi niya gaanong natatandaan ang kanyang mga aktibidad noong siya ay nasa paaralan, naalala niya na siya ay sumasali sa maraming mga kaganapan sa paaralan. Ang kanyang mga libangan ay ang pagguhit at paglalaro sa labas, at nasiyahan din siya sa pakikipag-usap sa kanyang mga kaibigan. Siya ay malapit sa kanyang mga lolo’t lola at mga pinsan, at talagang mahilig manood ng mga kartuns.
Sa kasalukuyan, isa na siyang estudyante ng junior high school na naninirahan sa Kyoto kasama ng kanyang ina, na nagtatrabaho bilang caregiver. Mayroon din siyang 16-anyos na kapatid na babae. Kaligayahan nila na silang tatlo ay laging magkakasama. Para sa kanya, ito ay nakakapanatag ng kanyang loob, at kadalasan siya ay nanonood ng anime, gumuguhit, o gumagawa ng mga bagay na nagpapasaya sa kanya. Sa ngayon, ang kanyang layunin ay makapasa sa paunang pagsususulit sa Mataas na Antas ng Paaralan. Wala siyang napipili pang landas na tatahakin ngunit kasalukuyan siyang nahihilig sa paggawa ng mga animation. Sinusubukan din niyang mag- part-time na trabaho hanggang sa kanyang makakaya upang makatulong sa gastusin sa bahay.
Bago umalis ng Pilipinas, kinailangan ni Kenshu magsimulang magsanay sa wikang Hapon. Para sa kanya, ito na siguro ang pinakamahirap na bahagi ng kanyang paglalakbay sa panibagong buhay. Bagama’t nakita niyang kamangha-mangha ang buhay sa Japan, kabilang sa mga aral na natutunan niya ay ang buhay sa Japan ay may kasamang maraming paghihirap at pagsubok kaakibat ng pagsasanay.
Para sa ibang mga kabataan na katulad niya ang sitwasyon, ang pinakamagandang payo ni Kenshu sa kanila ay maglaan ng kaukulang oras para masanay sa kasalukuyang pamumuhay at huwag mag-intindi o ma-stress ng sobra. Ayon sa kanya, ito rin ang kanyang gagawin dahil marami siyang natutunan sa kanyang mga karanasan at ito ang nagpatatag sa kaniya. Ang hiling niya sa mga kapwa niya JFC ay huwag sumuko dahil kahit mahirap ang mga pangyayari ngayon, may magandang kapalit ang lahat ng pagtitiyaga.
中村拳洲:新たな人生への旅
経験は人を成長させる。子どもの頃に海外に移り住むことも、そのひとつである。14歳の中村拳洲の目には、年齢以上に聡明だ。
日本国籍を持つ拳洲は、11歳のときに来日。約4年が経った。フィリピンでは、SECDEAサイエンスアカデミーで2~3年ほど勉強し、歴史や英語は得意だったが、数学は苦手だったという。在校時の活動についてはあまり覚えていないが、学校行事にはよく参加していた。趣味は絵を描いたり、外で遊んだりすること。友達と話すのも好きだった。おじいちゃんやおばあちゃん、いとことも仲が良く、アニメを見るのも大好きだった。
現在、彼は中学生で、介護士として働く母親と一緒に京都で暮らしている。姉は16歳、学生。3人がそろうときは、たいてい家ですごしている。リラックスした雰囲気の中、アニメを見たり、絵を描いたり、自分の好きなことをして過ごす。今の目標は、高校入試に合格すること。どんな仕事を目指すかはまだ決まらないが、アニメの道に心が惹かれている。家計を助けるために、アルバイトもできるだけしたいと思っている。
フィリピンを出発する前に、日本語の勉強を始めた。これが新生活に向けた準備の中で最も大変なことだった。日本の生活は素晴らしいと感じているが、多くの困難をかいくぐった上で、今の生活がある。
自分と同じ境遇にあるJFCの仲間へのアドバイスは、「大切なのは時間をかけて慣れること、ストレスを溜めすぎないこと。そして、どんな時もあきらめないこと」。拳洲自身、これまでの経験から多くを学び、成長してきたので、それしかないと断言できる。「今は大変でも、耐え続けレバ、その先の未来はどんなに素晴らしいか想像してみて。」
Share Your Life Story
If you would also like us to feature your story send us an email to stories@kakehashi-ph.jp