02 Dec Kenrose Asis Ebara: Keeping the Faith
Once upon a time in Kyoto, a young girl found herself attending a school open campus event. She loved everything about the place and knew that she had found the one. She knew deep in her heart that if she got into this school, all her dreams would come true.
That girl was Kenrose Asis Ebara, now an 18-year-old in Kyoto. Though a Japanese citizen, she was born in the Philippines and first came to Japan when she was in fourth grade and stayed for just a month. She had family back in the Philippines – her grandmother, an aunt and uncle, cousins, and her 14-year-old sister. Kenrose didn’t really get to spend time with her sister because she was just two years old when Kenrose and her mom moved to Japan. They left her in the care of her paternal grandfather, but they talked to her a lot over the phone. But soon, she will be moving to Japan, too, and a sophomore in junior high school when she arrives.
Kenrose eventually enrolled at Kyoto Municipal Daiyonkinrin Shōgakko for elementary school and Kyoto Municipal Konoe Chūgakko for junior high school. She only started studying hiragana, katakana, and kanji after she got to Japan, and it was very hard for her. Fortunately, her teachers in her elementary and junior high schools were very helpful and she owes them a lot. With their help, she learned the language and made many friends, even among her teachers.
It wasn’t easy, though. When she first came to Japan, she found things so hard that after just a few weeks, she would have gladly stopped going to school because of the tremendous pressure she was under to learn Nihongo. Kenrose’s tutor-turned-mentor Ms. Carisa Sugiyama of the Gakkou Shidouka Department of the Kyoto Board of Education recalls how she once saw Kenrose in a Nihongo class with tears streaming down her cheeks. Ms. Carisa was frustrated because, as tutors, they were not allowed to help.
However, Kenrose prevailed. She knew that her mom – a single mother who raised them without any complaints despite all she’s been through – worried about her constantly and couldn’t focus on her work. She thought of her mother, her sister, and her family back home in the Philippines. She wanted to make them all proud, and make sure her family had a good future. With this in mind, she resolved to do her best. She banished all the negative thoughts from her mind and instead dedicated her efforts to learning Japanese. It was a struggle, but little by little, Kenrose learned to speak Nihongo and made a lot of friends in the process. These friends were the ones who helped her out whenever there was something that she didn’t know.
Kenrose also learned that she loved modern dance, but when she was in elementary school, her Ate Carisa also taught them how to dance the tinikling, which she would proudly perform with her fellow Filipinos during community events.
For now, she wants to focus on her studies so she can give back to her mother in the future. Kenrose wants to be a nurse so next year, when she graduates, she plans to apply to a kango senmon gakko or nursing school. But before that, she first has to take and pass an entrance exam so she can attend the school of her choice. She already has one in mind and after attending an open campus event there, she knew it was just what she needed to make her dreams come true.
This is the challenge she has set for herself. No matter what, she will do her best. Kenrose says that she may not be as smart or as gifted as her peers, but she will still try. It’s all she can do. When they arrived in Japan, she and her Mom made a pact to do their best – her mom at work, and she in school. Whenever she thinks about this, she feels braver and more confident, like she can take on any challenge for her mother, her sister, and their future. This is all for her family and whatever happens, that is where she draws her strength from. Her Mom always said that all these problems are just challenges from God so she should always try her best.
All Kenrose wants is to be able to support her Mom so that after years of working so hard, she will finally be able to relax and have an easier time. “Whenever I massage my Mom’s feet, I can’t seem to stop my tears from falling, and my heart from breaking, because I can see and feel how tired she is from working. I am so, so proud of my Mom.”
The only advice Kenrose feels she can offer her fellow JFCs is that if you have a dream or a goal, don’t ever give it up. “You will never lose anything by doing your best,” she always says to herself. “Persevere, and you will prevail.”
Kenrose Asis Ebara: Panatiliin ang Paniniwala
Noong unang panahon sa Kyoto, natagpuan ng isang batang babae ang kanyang sarili na dumalo sa isang kaganapan sa open campus ng paaralan. Gustung-gusto niya ang lahat tungkol sa lugar at natagpuan na nya ang kanyang hinahanap. Alam niya sa kaibuturan ng kanyang puso na kapag nakapasok siya sa paaralang ito, lahat ng kanyang mga pangarap ay matutupad.
Ang babaeng iyon ay si Kenrose Asis Ebara, ngayon ay 18 taong gulang na at nakatira sa Kyoto. Bagama’t isa siyang Haponesa, siya ay ipinanganak sa Pilipinas at unang dumating sa Japan noong siya ay nasa ikaapat na baitang sa mababang paaralan at nanatili lamang sa Japan ng isang buwan. Mayroon siyang pamilya sa Pilipinas – ang kanyang lola, isang tiyahin at tiyuhin, mga pinsan, at ang kanyang 14 na taong gulang na kapatid na babae. Hindi talaga nakasama ni Kenrose ang kanyang kapatid dahil dalawang taong gulang pa lamang siya nang lumipat si Kenrose at ang kanyang ina sa Japan. Iniwan nila siya sa pangangalaga ng kanyang lolo sa ama, subali’t madalas naman silang nagkakaroon ng komunikasyon gamit ang telepono. Nguni’t sa lalong madaling panahon, parating na rin siya sa Japan, at sa kanyang pagdating ay mapapasok sa ikalawang baitang ng mataas na paaralan.
Kalaunan ay pumasok si Kenrose sa Daiyokinrin Shōgakko ng Munisipyo ng Kyoto para sa elementarya at Konoe Chūgakko ng Munisipyo rin ng Kyoto para sa junior high school. Nagsimula lamang siyang mag-aral ng hiragana, katakana, at kanji pagkatapos niyang makarating sa Japan, at masasabing ito ay napakahirap para sa kanya. Sa kabutihang palad, ang kanyang mga guro sa elementarya at junior high school ay matulungin kaya’t malaki ang kanyang utang na loob sa kanila. Sa tulong nila, natutunan niya ang wika at nagkaroon siya ng maraming kaibigan, maging na rin sa kanyang mga guro.
Subali’t hindi ito naging madali. Noong una siyang dumating sa Japan, napagtanto niya na napakahirap pala ng mga bagay-bagay na, makaraan lamang ng ilang lingo, gugustuhin pa niyang huminto na sa pag-aaral dahil sa matinding pagsubok na naranasan niya upang matuto ng Nihongo. Naalala ng tagapagturo ni Kenrose na si Ate Carisa Sugiyama ng Gakkou Shidou-ka Department ng Kyoto Board of Education kung paano niya minsang nakita si Kenrose sa isang klase ng Nihongo na may luhang lubhang tumutulo sa kanyang mga pisngi. Nalungkot si Ate Carisa dahil ang mga tutor tulad niya ay bawal tumulong.
Gayunpaman, nanaig si Kenrose. Alam niya na ang kanyang ina – isang solong ina na nagpalaki sa kanila nang walang anumang reklamo sa kabila ng lahat ng kanyang pinagdaanan – ay palaging nag-aalala sa kanya at hindi makapag-isip nang maayos sa kanyang trabaho. Naisip niya ang kanyang ina, ang kanyang kapatid na babae, at ang kanyang pamilya sa Pilipinas. Gusto niyang maipagmalaki siya nilang lahat, at tiyaking may magiging magandang kinabukasan ang kanyang pamilya. Sa pag-iisip na ito, nagpasya siyang gawin ang lahat ng kanyang makakaya. Inalis niya lahat ng mga negatibong kaisipan at sa halip ay inalay niya ang kanyang pagsisikap upang matuto ng Nihongo. Tunay ngang ito ay isang pagsubok, ngunit unti-unti, natutunan ni Kenrose na magsalita ng Nihongo at nagkaroon ng maraming kaibigan. Ang mga kaibigang ito ang siyang tumulong at gumabay sa kanya sa tuwing may bagay na hindi niya alam.
Natuklasan din ni Kenrose na mahilig siya sa makabagong sayaw, ngunit noong siya ay nasa elementarya, tinuruan din siya ng kanyang Ate Carisa kung paano sumayaw ng tinikling, na ipinagmamalaki niyang sayawin kasama ang kanyang mga kapwa Pilipino sa tuwing may kaganapan sa komunidad.
Sa ngayon, gusto niya munang mag-aral nang mabuti para makabayad ng utang na loob sa kanyang ina. Gusto ni Kenrose na maging nars kaya sa susunod na taon, sa kanyang pagtatapos sa mataas na paaralan, plano niyang mag-apply sa isang kango senmon gakko o nursing school. Pero bago iyon, kailangan muna niyang kumuha at makapasa sa isang pagsusulit para tanggapin siyang mag-aral sa napili niyang paaralan. Mayroon na siyang nasa isip pagkatapos niyang dumalo sa isang open campus event kung saan ay alam niyang ito lang ang kailangan niya para matupad ang kanyang mga pangarap.
Ito ang hamon na itinakda niya para sa kanyang sarili. Kahit anong mangyari, gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya. Sinabi ni Kenrose na maaaring hindi siya kasing talino o kasing galing ng kanyang mga kasamahan, nguni’t susubukan pa rin niya sa abot ng kanyang kakayahan. Ito lang ang kaya niyang gawin. Noong sila ay dumating sa Japan, siya at ang kanyang ina ay nagkaroon ng kasunduan na gawin ang kanilang makakaya – ang kanyang Ina sa trabaho, at siya sa paaralan. Sa tuwing naiisip niya ito, nadarama niya na siya ay mas matapang at mas may kumpiyansa sa sarili, na parang kaya niyang harapin ang anumang hamon para sa kanyang ina, sa kanyang kapatid, at sa kanilang kinabukasan. Itong lahat ay para sa kanyang pamilya at doon siya kumukuha ng lakas para sa kanilang kinabukasan. Laging sinasabi ng kanyang ina na ang lahat ng pagsubok na ito ay mga hamon lamang mula sa Diyos kaya dapat niyang pag-igihan sa abot ng kanyang makakaya.
Ang gusto lamang ni Kenrose ay masuportahan ang kanyang ina para matapos na ang maraming taon ng pagsusumikap, at maiparanas sa kanya ang kaginhawahan ng buhay. “Sa tuwing minamasahe ko ang mga paa ng aking ina, parang hindi ko mapigilan ang sarili kong maiyak, tumulo ang luha, at madurog ang puso, dahil nakikita at nararamdaman ko kung gaano siya napapagod sa pagtatrabaho. Labis kong ipinagmamalaki ang aking ina.”
Ang tanging payo na maipapahatid ni Kenrose sa kanyang mga kapwa JFC ay kung mayroon kang pangarap o layunin, huwag kailanman isuko ito. “Walang mawawala sa inyo kung gagawin ninyo lahat ng iyong makakaya”. Palagi rin niyang sinasabi sa sarili. “Magtiyaga at tayo ay magwawagi!”
ケンロス・アシス・エバラ:信仰と共に
ある少女が京都の学校のオープンキャンパスに参加した。彼女はその学校をとても気に入った。「この学校に入れば、自分の夢がすべて叶う」と思った。
ケンロス・アシス・エバラは、京都に住む18歳の女の子。フィリピンで生まれたが、日本国籍を持っている。小学4年生のときに初めて日本に来て、1カ月間滞在した。フィリピンには祖母、叔父と叔母、いとこ、そして14歳の妹がいる。ケンロスがお母さんと一緒に日本に引っ越してきたとき、幼かった妹は、父方の祖父のところに預けられたが、電話でたくさん話をした。まもなく妹も日本に来て、もうすぐ中学2年生だ。
ケンロスは、京都市立第四錦林小学校と京都市立近衛中学に通学した。ひらがな・カタカナ・漢字の勉強をはじめたのは日本に来てからだったので、とても苦労した。小中学校ではよい先生方に恵まれ、たくさんサポートを受けた。そのおかげで言葉を覚え、友達ができ、先生方とも親しくできた。
これまでの道は容易なことではなかった。日本に来たばかりの頃は、日本語を覚えなければならないというプレッシャーが大きく、数週間で学校に行けなくなってしまいそうだった。ケンロスの指導員兼メンターである京都府教育委員会学校指導課の杉山カリサさんは、ケンロスが日本語教室で涙を流しているのを見たことがあるという。行政から委託された以上の援助を彼女にしてあげることは許されないため、カリサは、手を差し伸べることができず歯がゆい思いをした。
ケンロスは頑張った。文句ひとつ言わず女手一つで自分たちを育てているお母さんが、彼女自身のことばかり心配していると仕事に集中できないことを知っていたからだ。彼女は、母や妹、そして故郷のフィリピンの家族のことを考えた。家族が誇りを持って生活し、より良い未来をおくれるようにしたい。この想いを胸に、彼女はベストを尽くすことを決意した。ネガティブな考えはすべて捨て、日本語を学ぶことに専念したのである。苦労した分だけ、ケンロスは少しずつ日本語を話せるようになり、その過程で多くの友人ができた。彼らは、わからないことがあるとすぐに助けてくれた。
また、ケンロスはモダンダンスが好きであることを気付いたが、小学生の頃、カリサさんからティニクリン(フィリピン舞踊のひとつ)の踊り方も教わっていた。地域のイベントではフィリピン人の仲間と一緒に、誇りをもって踊ることができた。
将来、母に恩返しができるように、いまは勉強に集中している。オープンキャンパスに参加し、自分の夢を実現するために必要な場所だと確信した。まず入試を突破しなくてはならない。彼女は看護士を志しているので、高校卒業後は看護系の学校に進学することを希望している。
これは彼女が自分に課した課題である。「何があってもベストを尽くす」。ケンロスは、他の学生に比べて頭が良いというわけではなく、才能があるというわけではないけれど、挑戦する。それが彼女にできることなのだ。日本に来たとき、お母さんは仕事、彼女は学校でベストを尽くすという約束をした。このことを思い返す度、勇気と自信が湧いてくる。母のため、妹のため、そして未来のために。どんな困難にも立ち向かおうと思う。それが彼女の力の源である。「すべての課題は、神様からの試練なのだから、常にベストを尽くしなさい」といつも母は言う。
ケンロスは、何年も懸命に働いてきた母が、ゆくゆくはゆっくりと快適に過ごせるようにしてあげたいと望んでいる。「母の足をマッサージするたびに、涙があふれ、胸が張り裂けそうになります。母が仕事で疲れていることを目の当たりにするからです。私は母をとても誇りに思っています」。
ケンロスが仲間のJFCにできる唯一のアドバイスは、「夢や目標があるなら、絶対にそれをあきらめないで」ということ。「力を出し切ることで、失うものは何もない」と、彼女はいつも自分に言い聞かせている。”努力は必ず報われる!”」
Share Your Life Story
If you would also like us to feature your story send us an email to stories@kakehashi-ph.jp